
Sumapi sa Kilusan.
Suportahan ang Lokal na Enerhiya:
Ang San Francisco ay nagkakaisa sa mas mura, mas malinis, mas maaasahang lokal na pampublikong enerhiya.
Ngayon, at higit kailanman, ang malinis, maaasahan, at abot-kayang enerhiya ay kritikal sa San Francisco. Kayang kontrolin ng mga taga-San Francisco ang kinabukasan ng ating enerhiya at makatamo ang mga kapwa nating pinapahalagan sa pamamagitan ng ganap na paglipat sa lokal na pampublikong enerhiya ng kuryente.
Ang San Francisco ay nagbigay ng isang magandang alok sa PG&E upang bilhin ang kasalukuyang lokal na “power grid.” Ang ating lungsod ay higit na nagkakaisa upang maipatupad ito at hindi natin nais maghintay sa mas matagal pang panahon.

70% ng mga taga San Francisco ang Sumusuporta sa Paglipat sa Pampublikong Enerhiya.
Maaari nating matamo ang benepisyo ng pampublikong enerhiya
Ang San Francisco ay isa nang matagumpay na tagapagbigay ng pampublikong enerhiya para sa ating paliparan, pampublikong ospital, mga paaralan, parke, at marami pang iba.
Sa pagkakaisa, kaya nating mapalakas ang patunay na tayo ay maaasahan at makamit ang ating layuning magkaroon ng malinis na enerhiya. Learn more >>
