Napakalaking Utang at mga Pagpapalagay na Walang Kasiguruhan
Limang Bagay na Dapat Malaman ng mga Californians tungkol sa Bankruptcy Plans ng PG&E
Masusing tinitingnan ng mga eksperto sa San Francisco Public Utilities Commission at opisina ng “City Attorney” ang planong pag-alis sa “bankruptcy” ng PG&E. Ang mga natunghayan ay dapat ikabahala ng mga Californians na siyang magbabayad ng singil ng PG&E gayundin ng mga taga-gawa ng mga patakaran at batas na nangangalaga sa kinabukasan ng sistema ng ating enerhiya.
Upang makaalis sa “bankruptcy”, plano ng PG&E na kumuha ng bagong malaking utang - $13.9 bilyon – at gumagawa sila ng mga walang kasiguruhang assumptions ukol sa hindi makatuwirang mababang interes at maluwag na regulasyon. Kung bumagsak ang mga assumptions, ang mga nagbabayad sa serbisyo ng PG&E ang siyang sasagot sa balanse ng bayarin sa pamamagitan ng mas mataas na singil. Ang aming limang takeaway sa plano ng PG&E ay nasa sumusunod at ang aming buong pagsusuri ay naka-link dito.
#1: Plano ng PG&E na kumuha ng napakalaking bagong utang na $13.9 bilyon.
Ang pangunahing bahagi ng plano ng PG&E upang makaalis sa “bankruptcy” ay ang pagkuha ng bagong utang na hindi bababa sa $13.9 bilyon, na magdadala ng kabuuang pagkakautang ng PG&E sa nakakalulang $35.4 bilyon. Ang pagkuha ng ganitong gabundok na utang at pag-unat nito sa hinaharap ay maglalayo sa PG&E sa totohanang pagbabago ng istruktura at naglilipat ng panganib sa mga nagbabayad ng singil at sa estado.
#2: Nagsasaad ang PG&E ng walang tiyak na paniwalang hindi tataas ang halaga ng kuryente.
Sa ilalim ng new wildfire liability law ng California (AB 1054), ang mga plano ng PG&E ay dapat na maging neutral sa mga Californians na nagbabayad ng mga singil. Upang makakuha sa pondo ng estado, hindi maaaring gumawa ang PG&E ng planong magtaas ng rate sa mga konsyumer upang pangalagaan ang sarili o ang mga pinagkakautangan nila. Subalit tila ito ang ginagawa ng PG&E, sa pag-asa ngayon sa maling assumptions, nalilipat ang mga karagdagang bayarin sa mga konsyumer. Halimbawa, ang PG&E ay tumatayang makakakuha sila ng mas mababang interes kaysa sa kanilang ginagamit sa kanilang mga mga forecast kahit na sila ay malagay sa mas masamang posisyong pinansiyal. Isa pa, nang sabihin ng PG&E na hindi tataas ang rate sa planong isasagawa, nangangahulugan itong ang planong pag-alis sa “bankruptcy”ay walang kasamang pagtaas ng rate. Ang mga pagsusuri ay nagpapakitang ang huminang kundisyong pinansiyal ng PG&E ay nagbibigay ng malaking posibilidad na tataas ang rate matapos ang “bankruptcy” habang sinusubukan ng PG&E na bayaran ang kanilang mga pinagkakautangan at mamuhunan sa pagpapabuti ng kaligtasan at serbisyo.
#3: Halos walang sinasabi ang PG&E ukol sa planong mag-reorganize.
Hindi maliwanag ang sinasabi ng PG&E na gagawin nilang “decentralized” ang kanilang rehiyonal na istruktura upang mas makatugon sa mga pangangailangan. Subalit ang kanilang paglagay sa “bankruptcy” ay mayroon lamang maiksi na isang-pahinang buod kung paano ito mangyayari. Hindi rin nakasama dito ang mga pangunang gastusin sa paggawa sa paglipat.
Hindi rin ipinapaliwanag ng PG&E kung bakit hindi sila sumasang-ayon sa mga lungsod kagaya ng San Francisco na magkaroon ng mas malaking responsibilidad sa pang lokal na pamamahagi ng kuryente gayong sila ay may nakikitang kahalagahan sa pagsasalokal at “decentralizing”.
#4: Hindi maliwanag ang posisyon ng PG&E tungkol sa kaligtasan.
Ang mga plano ng PG&E ay mas detalyado pagdating sa pananalapi, subalit maliit na pagpapahalaga sa paglalahad sa mga gagawin nilang pagpapabuti ng kaligtasan. Ang plano ay walang detalyadong sukatan ng kaligtasan at nagsasabing ang mga metrics ay aalamin pa lamang sa mga darating na panahon. Muli, mahirap sabihin ang mga epektong pinansiyal ng pagpapabuti ng kaligtasan, sa dahilang hindi ito detalyado.
#5: Kinakatwiran din ng PG&E na kailangan nila ng mas mahinang regulasyon para sa kanilang pagpapatuloy.
Sa kanilang pagpa-file, sinabi din ng PG&E na ang tanging paraan para sila ay makaahon sa “bankruptcy” ay sa pamamagitan ng tinatawag nilang “constructive regulatory approach” – na walang paliwanag na ang ganitong paraan ay mangangahulugan ng mas mataas na singil sa kuryente o kaya ay mas malaking panganib sa kostumer. Maaaring nagbigay ng kaunting pakahulugan ang PG&E sa ibig sabihin ng “constructive” sa kanilang pagpa-file noong Nobyembre 2019 na nagsasabing “ang pinakamabuting pampublikong patakaran sa nasa ganitong sitwasyon ay hindi magpapataw ng multa o parusa sa mga nakaraang aksyon o “conduct”. Inililipat lamang ng PG&E ang pasanin ng mga bayaring bunga ng kanilang mga nakaraang aksyon sa mga biktima at nagbabayad ng singil na pinipilit nilang sumuporta sa “utility” kahit na ano pa ang maging katumbas.
Ang pinakamagandang daan sa pagsulong sa kinabukasan ay ang pampublikong enerhiya.
Patuloy na naniniwala ang Lungsod ng San Francisco na ang pinakamagandang daan sa pagsulong sa kinabukasan – para sa PG&E, para sa mga biktima ng sunog, at para sa mga nagbabayad ng singil sa kompanya – ay ang kunin ng San Francisco ang kabuuang kontrol sa pamamahagi ng kuryente sa Lungsod, mabigyang pahintulot ang PG&E na mabawasan ang kanilang utang at magbigay sa mga mamamayan ng San Francisco ng mas mabilis sa pagtugon at nakatutok na serbisyo, at proteksiyon sa mga hinaharap na panganib pinansiyal ng PG&E. Samantala, ang mga namumuno sa estado at ang mga mamamayan ay dapat magsulong ng totoong reporma at pagbabago ng istruktura ng PG&E.